Sarili na bakit ngiti ang nakikita
Na laging naka ukit sa aking mukha
Ngunit iba ang nadarama
Kung titigan ka sa aking mga mata
Na kung tila puno ng lungkot
Lungkot na pinagsamang galit
Galit kung bakit ako nagkaganito
Na para bang pasan ko ang mundo
Sarili bakit nagkaganito ka?
Di kana ba naawa sa iyong sarili
Bakit puro ka problema
Wala naba talagang solusyon
Solusyon kung paano kana magiging masigla
Walang problemang dinadala
Walang lungkot sa iyong mga mata
Kundi matamis na ngiti at sigla sa iyong mukha
Nang dahil nga ba sakanya?
Ay nagkaganun kana tila iba kana
Ibang iba kana ngayon
Palangiti na kahit may problema
Problema na di nabigyan ng solusyon
Pati sarili ay pinabayaan
Huwag magalala kailangan
Mong gagabay sayo
Huwag ka lang mawalan ng pagasa
Pagasa na di kayang matumbasan
Mga problema mabibigyan ng solusyun
Lungkot at pagod ay naiibsan
Nasa awa ng diyos
Sumampalataya ka lang
Mula ngayun hanggang sa susunod na henerasyon
Manalig ng walang hanggan
BY: Ricalyn Sison